Sunday, September 26, 2004

Forever starts tomorrow

BUKAS (Lunes) na magsisimula ang grand television premiere ng isa sa pinakamalaking soap opera ng GMA-7 na Forever In My Heart starring Regine Velasquez, Ariel Rivera and Richard Gomez.

Kasing bongga rin kaya ng press launch ng soap ang magiging pagbubukas nito bukas?

Sa totoo lang kasi, sa tagal na rin naming uma-attend ng mga presscon ng iba't ibang shows ng Dos at Siyete, pero no'n sa presscon lang ng Forever In My Heart at Mulawin kami sobrang na-impress.

Para kaming nanonood ng isang malaking production number while we're at the presscon. Sabi nga ni Ma'm Wilma Galvante, na-revolutionize na raw ng GMA-7 ang istilo ng presscon na meron sila para sa kanilang mga bagong shows. And in fairness, agree kami sa sinabi niyang 'yon.

Sabi ni Regine, hindi siya nag-i-expect na mapantayan niya ang rating na ini-enjoy ngayon ng Mulawin. Tama na raw 'yung makahabol sila ng kaunti rito.

Pero who knows, di ba? Since kadikit din ng Mulawin ang Forever In My Heart, baka maghilahan ng rating ang dalawang show papataas. [source]